-- Advertisements --
Naniniwala ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na patuloy na nabibigo ang Russia sa paglusob nito sa Ukraine.
Sinabi ni NATO chief Jens Stolenberg na malinaw na naipapanalo na ng Ukraine ang giyera.
Ilan sa mga inihalimbawa nito ay ang bigong paglusob ng Russia sa Kyiv, ang pag-atras ng Russia sa Kharkiv at ang pagkalas ng kanilang depensa sa Donbas region.
Gaya aniya ng pahayag ng Ministry of Defense ng Britain na maraming mga sundalo ng Russia ang nalagas dahil sa patuloy na kaguluhan.
Makikita aniya na patuloy ang ginagawang pag-counter attack ng Ukraine sa mga lugar na sinakop na ng Russia.