-- Advertisements --

Nakahanda ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na dagdagan ang kanilang mga peacekeeping forces na nakatalaga sa Kosovo sakaling tumidi ang tensiyon sa pagitan nila ng Serbia.

Sinabi ni NATO Chief Jens Stoltenberg na mayroon ng 4,000 na sundalo ang nakatalaga sa Kosovo.

Nakausap na rin aniya nito si Serbian President Aleksandar Vucic sa Brussels.

Nagkaroon ng tensions sa pagitan ng Serbia at Kosovo ng obligahan ng Pristina ang mga Serbian na gumamit ng mga car license plates.

Kumalma lamang ang sitwasyon ng kanselahin ni Kosovo Prime Minister Albin Kurti sa pamamagitan ng pressures mula sa US at European Union ang nasabing number plates rules hanggang Setyembre 1 at tinanggal na rin ng Serbia ang mga roadblocks.