-- Advertisements --
Nagpasya si North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg na hindi na ito muling tatakbo sa puwesto.
Sinabi nito na hihintayin na lamang niya ang buwan ng Oktubre para tuluyang bumaba sa puwesto.
Ayon kay NATO spokeswoman Oana Lungescu na napalawig na ni Stoltenberg ng tatlong beses ang kaniyang termino at ito ay umabot na ng hanggang siyam na taon.
Ang 63-anyos na dating Norwegian prime minister ay umupo sa puwesto noong Oktubre 1, 2014 at naresolba ang ilang mga international crisis.