
Hinimok North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary-General Jens Stoltenberg ang South Korea na irekonsidera ang patakaran nito na hindi pag-export ng mga armas sa mga bansang nakakaranas ng conflict upang matulungan ang Ukraine sa paglaban sa invasion ng Russia.
Sa talumpati ng NATO chief sa Chey Institute for Advanced Studies sa Seoul, kaniyang hinikayat ang tinaguriang Land of the Morning Calm na Republic of Korea na ipagpatuloy at tumugon sa specific issue sa military support.
Inihalimbawa ni Stoltenberg ang Germany, Norway at NATO applicant na Sweden na na nagbago ng kanilang arms export policies para tulungan ang Ukraine.
Una ng nagpahayag naman ng pagkondena ang North Korea sa pagbisita ng NATO official sa South Korea at inihayag na magsisimuia lamang ito ng komprontasyon at giyera kasabay ng pamumuo ng panibagong “Cold war” sa Asia Pacific Region.










