-- Advertisements --

Nagpulong sa Germany ang mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) upang pag-usapan ang karagdagang military aid para sa Ukraine.

Inanunsiyo ng Pentagon ang karagdagang 2.5 billion dollars Ukraine security package habang ang us at ang mga kaalyado nitong european ay nagdedebate kung magpapadala ng mas sopistikadong mga armas sa Kyiv.

Patuloy na pinagde-debatehan ng us at Germany ang pagpapadala ng mga tanke sa Kyiv.

Ipinahiwatig ng Berlin na hindi nito ibibigay ang mga Leopard tanks nito maliban kung sumang-ayon din ang US na magpadala ng mga tangke.

Samantala, nagbabala si Dmitry Medvedev, deputy head ng security council ng Russia, na ang pagkatalo para sa moscow ay maaaring humantong sa nuclear war.

Ang dating pangulo ng Russia ay paulit-ulit na itinaas ang nuclear conflict.