-- Advertisements --

Ipinaalala ng National Privacy Commission (NPC) na hindi maaaring gamitin ang Data Privacy Act para harangin ang pag-iimbestiga ng otoridad sa iba’t-ibang anomalya at kontrobersya sa gobyerno.

Pahayag ito ng NPC sa gitna nang mainit pa ring usapin ng umano’y katiwalian sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nais kasi ng ilang mambabatas na pumagitna ang Commission on Audit (COA) sa imbestigasyon para suriin ang financial statements ng korporasyon.

“The NPC provides guidance to PhilHealth on the COA gaining access to the personal information of data subjects collected by the state-run health insurance agency through Advisory Opinion No. 2020-016 that is issued in response to the request of PhilHealth for guidance on a COA memorandum.”

Sa ilalim ng nabanggit na memorandum, pinapayagan ang COA na magkaroon ng access to information dahil may exception ang batas, at hindi umano maaaring idahilan ng mga iniimbestigahan ang privacy law para tumanggi.

Kinikilala naman daw ng NPC ang pangamba ng PhilHealth na baka mauwi sa data breach ang proseso ng COA sa imbestigasyon.

“Processing of information to carry out the functions of the authorities as part of a constitutional or legal mandate, subject to restrictions, is one of the instances where the application of the Data Privacy Act and its implementing rules and regulations is qualified or limited.”

Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, responsibilidad ng COA auditors na i-ayon sa mga probisyon ng Data Privacy Act ang kanilang gagawing pagsisiyasat sa mga dokumento ng PhilHealth.