-- Advertisements --

Kinansela na ng country music star Garth Brooks ang kaniyang mga stadium tour dahil sa pagtaas ng bilang ng Delta variant.

Sinabi nito na hindi na niya itutuloy ang natitirang limang stadium tour sa Baltimore, Charlotte, Cincinnati, Nashville at Foxborough, Massachussets dahil sa nasabing pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nitong Hulyo kasi ay inakala na niyang mawawala na ang virus subalit nagkamali ito.

Noong nakaraang buwan kasi ay umabot sa mahigit 68,000 katao ang nanood sa kaniyang concert sa Allegiant Stadium sa Las Vegas.

Tiniyak naman nito na ibabalik ang bayad ng mga nakabili ng ticket ng mga nakanselang show.