Muling magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang pamahalaan para sa unang quarter ng taong 2024.
Sa darating na Marso 25, 2024 ito nakatakdang isagawa bandang alas-9:00 ng umaga sa pangunguna naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng Office of Civil Defense.
Dito ay nakatakdang magsagawa ang mga kinauukulan ng iba’t-ibang mga scenario tulad ng rescues at evacuations kung saan ia-apply ng mga otoridad ang kanilang mga response techniques.
Samantala, sa kasagsagan ng naturang earthquake drill ay hinikayat ng ahensya ang publiko na makiisa rito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “duck, cover, and hold” position sa oras na marinig ang sirena na hudyat ng pagsisimula nito.
Ang National Simultaneous Earthquake Drill ay quarterly ginagawa ng pamahalaan upang mabigyan ng awareness at maihanda ang publiko sa anumang uri ng sakunang posibleng mangyari na dulot ng The Big One.