-- Advertisements --
Balik operasyon ng ang Nationwide border system sa United Kingdom Airport matapos na magkaroon ng aberya.
Ang naturang incidente ay nagdulot ng kaguluhan para sa mga holidaymaker at mga pasaherong dumating ng bansa.
Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng Home Office na nagpapatakbo ng Border Force na matapos ang isang technical issue sa system ng E-Gates ay matagumpay naman nila ito naayos.
Sa ngayon ay gumagana na ito ng normal.
Pinasalamatan naman ng kanilang tagapagsalita ang mga pasaherong naapektuhan dahil sa pasensya ng mga ito.
Kinilala rin ng opisyal ang kanilang mga tauhan na hindi tumigil sa pagresolba sa naturang isyu.