Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Innovation Agenda and Strategy Document para sa taong 2023-2032.
Ito ay matapos na iharap ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon ang mga rationale at features ng National Innovation Agenda and Strategy Document sa ginanap na ika-limang pagpupulong ng National Innovation Council.
Ayon sa Presidental Communications Office na bumabalangkas sa plano ng bansa na pahusayin ang innovatio governance at magtatag ng isang dynamic innovation ecosystem.
Anila, ito ay isang dynamic innovation ecosystem na nagpapaunlad ng isang pervasive culture of innovation na hinihimok ng mga pangangailangan sa merkado.
Pinapadali din nito ang pakikipagtulungan sa pamamagitan ng aktibo, maaasahan, at kapaki-pakinabang na mga platform, at nagbibigay sa mga aktor ng pagbabago ng mga kinakailangang pasilidad at mapagkukunan upang baguhin ang kanilang mga ideya sa mga makabagong produkto at serbisyo.
Kinokonekta rin nito ang innovator-entrepreneur sa mga potential investors and funders sa bansa.
Samantala, ayon naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, vice chair ng NIC, na ang pagtatatag ng dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies transformation agenda na tinukoy sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 para makamit ang isang maunlad, inklusibo, at matatag na lipunan.