Inaasahang maisasapinal na ngayng araw ng binuong National El Niño Team ng Office of the Civil Defense ang kanilang National Action Plan para tugunan ang matinding epekto ng panahon ng tagtuyot sa bansa.
Ngayong araw ay pangungunahan ni Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council executive Director Usec. Ariel Nepomuceno ang nakatakdang pagpupulong ng naturang grupo na binubuo ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Dito ay inaasahang tatalakayin ang mga ginagawang paghahanda ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang mga long-term plan para sa food security, water security, energu security, health, public safety at cros cutting issues.
Una nang sinabi ni Nepomuceno na ang bubuuing National Action Plan for El Niño ay naaayon sa kautusan ng Pangulong Ferdinand Marocs Jr. na tugunan ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa sa pamamagitan ng “science-based, whole of the nation strategy”.