Aabot na sa 85,585,600 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas magmula noong Pebrero 2021.
Sinabi ito ni vaccine czar Secretaru Carlito Galvez Jr. matapos na dumating kahapon ang 1.3 million doses pa ng Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay Galvez, sa unang linggo lang ng Oktubre ay aabot na sa 14.2 million COVID-19 vaccines ang natatanggap ng bansa, o katumbas ng 1.5 million doses na dumarating sa kada araw.
Dahil dito, nananawagan si Galvez sa local government units na maging malikhain sa pagpapalakas ng kanilang vaccination rollout.
Maari aniyang humanap ng ibang paraan ang mga LGUs para mapataas ang demand ng bakuna sa kanikanilang mga nasasakupan.
Kung maari ay makipag-ugnayan din aniya ang mga local chief executives sa iba’t ibang ahensya at private sector para mas marami pang tao ang mabakunahan kontra COVID-19.