-- Advertisements --

Nag-ugat sa isang highly combustible material sa itaas ng engine room ang nangyaring sunog sa passenger vessel na Mercraft 2 ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu.

Ayon kay Abu nakapagsumite na ang PCG ng kanilang initial findings sa imbestigasyon sa fire incident na sa Quezon province noong May 23 na ikinasawi ng nasa 7 katao.

Tumanggi namang magsalita Ang PCG official sa karagdagang detalye sa kanilang naging findings dahil ang Department of Transportation aniya ang in charge sa pagbabahagi ng report sa isinagawang imbestigasyon.

Ayon naman kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kasalukuyang nasa kanilang kustodiya ang kapitan ng barko sa hangarin ng DOTr na maimbestigahan ang lahat ng anggulo para matukoy ang dahilan ng sunog.

Mula sa 157 pasahero na lulan ng MV Mercraft 2 nasa 121 ang hindi nasugatan habang nasa 29 katao naman ang nagtamo ng injury at 7 ang nasawi.