-- Advertisements --
Target na maibalik ngayong araw ang buong operasyon ng Manila Central Post Office matapos na ito ay masunog nitong gabi ng Linggo.
Ayon kay PhilPost Postmaster General Luis Carlos na nitong Martes ay nakabalik na bahagya ang kanilang operasyon.
Nakalipat na rin aniya ang lahat ng mga letter courier sa foreign service distribution center sa Delpan, habang ang corporate side naman nila, nakalipat na rin sa kanilang Central Mail Exchange sa Airport Road.
Nakipag-ugnayan na sila sa Central Mail Exchange Office para sa inventory ng mga sulat, parcel at national ID.