-- Advertisements --

Na-repair na ang engine room ng BRP Ramon Alcaraz matapos itong masunog na ikinasugat ng dalawang navy personnel na mabuti na ang kalagayan.

Ayon sa Philippine Navy, naglalayag na simula kahapon ang BRP Davao Del Sur at ang BRP Ramon Alcaraz pabalik dito sa Pilipinas mula sa Port Cochin sa India.

Matatandaang naantala ang pagbabalik nito sa Pilipinas noong May 7, 2020 matapos na masunog ang main engine room ng BRP Ramon Alcaraz na kinailangan pa nitong isalailalim sa repair.

Nauna na sanang bumiyahe pabalik ng bansa ang BRP Davao Del Sur pero bumalik din sa Port ng Cochin dahil sa naranasang sama ng panahon sa pagitan ng Bay Bengal at Andaman Sea na nasa northeastern Indian Ocean.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt Commander Maria Christina Roxas sakay ng dalawang barko ang 19 na repatriated Overseas Filipino Workers mula sa India habang dadaanan naman nila sa port ng Colombo sa Sri Lanka bukas ang 12 pa mga Filipino Tourist at OFW.

Ang mga Pilipinong na stranded sa dalawang bansa dahil sa epekto ng COVID 19 pandemic.
Bitbit rin ng dalawang barko ang mga Personal Protective Equipment at iba pang mga medical Equipment na donasyon ng India para sa Pilipinas.