-- Advertisements --

Umakyat na sa 55,104 ang nasawi sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.

Ayon sa Gaza Health Ministry na ang nasabing bilang ay mula ng paigtingin ng Israel ang pag-ataka noong Oktubre 7, 2023.

Aabot naman sa 127,394 ang naitala nilang sugatan mula ng magkaroon ng nasabing pag-atake.

Base sa record na mayroong 4,821 na Palestino ang nasawi habang mayroong 15,353 ang sugatan matapos na mabigo ang ceasefire nitong buwan ng Marso.

Pinangangambahan naman ng United Nations na mas tataas pa ang nasabing bilang dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel.