-- Advertisements --

Hindi bababa sa 26 na katao ang nasawi at 11 naman ang nawawala sa Sumatra Island sa Indonesia dahil sa pagbaha at landslides dulot ng malakas na pag-ulan. 

Nagbabala ang mga opisyal na maaari pang tumaas ang bilang ng mga casualty sapagkat hindi pa natatapos ang rescue operations. . 

Ang malakas na pag-ulan simula pa noong Huwebes ang naging dahilan ng paglubog sa baha ng siyam na bayan at ilang siyudad sa West Sumatra province, kung saan mahigit 75,000 katao ang napilitang lumikas.

Ayon sa National Disaster Management Agency ng Indonesia, nahihirapan silang ipadala ang mga relief goods dahil sa kawalan ng kuryente, mga nasirang tulay, at mga daan na puno ng putik.

Iniulat din ni Spokesman Abdul Muhari na mayroong 14 kabahayan ang natabunan ng landslide kung saan pinaghahahanap pa ang 11 na katao. 

Nahihirapan din daw kasi ang mga rescuers sa paghahanap dahil patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa lugar.