Nasa mahigit 5,000 police officers na ang nasibak sa kanilang mga puwesto kasunod ng intensified internal cleansing sa hanay ng PNP sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang statement, na base raw sa pinakahuling data ng PNP noong buwan ng Marso, nasa 5,99 na pulis ang natanggal na sa puwesto.
Ang 714 dito ay sangkot sa iligal na droga na natanggal mula noong July 2016.
Ilan naman daw sa mga natanggal na pulis ay sangkot sa kasong grave misconduct, serious irregularities at iba pang criminal activities.
Habang ang iba naman ay napatawan ng disciplinary sanctions dahil sa administrative offenses at ang pagkakasangkot sa mga iregularidad sa PNP.
Una nang sinabi ni Carlos na agresibo raw ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP sa pag-handel at pag-imbestiga ng mga police personnel na nasampahan ng iba’t ibang kaso.
Nangako naman ang PNP na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga korap na pulis sa pamamagitan ng internal cleansing program.
Maliban naman sa mga nasibak sa puwesto, ilan din sa mga pulis ang napatawan ng parusa dahil sa hindi naman mabigat na mga kasalanan.
Nasa 1,129 daw ang demoted, 10,490 ang suspended, 848 ang humaharap sa forfeiture of salary, 2,475 ang reprimanded, 208 ang restricted at 286 personnel naman ang na-hold ang mga benepisyo.