-- Advertisements --

Nakikita ng OCTA Research group na papalo na lamang sa humigit kumulang 2,000 hanggang 3,000 na bagong COVID-19 infections sa NCR kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend.

Ayon kay Dr. Guido David, patuloy kasing bumababa ang naitatalang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa mga nakalipas na linggo.

Dati kasi ang NCR ay bumubuo pa sa 60 percent ng buong bilang ng naitatalang bagong COVID-19 infections.

Umaasa si David na sa katapusan ng Pebrero ay aabot na lamang sa 500 ang daily COVID-19 cases sa NCR.


Samantala, sinabi ni David na marahil mayroong ilang mga probinsya o lugar sa bansa sa ngayon ang nasa ilalim naman ng Alert Level 4 dahil sa mababang vaccination rate ng mga ito.

Kahapon, base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), mayroong 31,173 na bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, dahilan para ang total case load ay umakyat sa 3,324,478, kung saan 275,364 dito ang active cases.