-- Advertisements --

LA UNION – Nakauwi na sa kanikanilang mga bahay ang halos 200 turista na stranded sa Ilocos Region dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa Department of Tourism (DoT), magmula noong Abril 6, 166 foreigners at 31 local tourists ang kanilang natulungan maihatid pauwi sa kanikanilang mga lugar.

Siniguro naman ng DoT na bago makauwi ang mga stranded na turista ay nasunod ang lahat ng mga safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Katuwang anila rito ang Department of Health (DOH) Region 1.