Kinumpirma ng Philippine National Police Forensics Group (PNP-FG) na 1,400 sa kabuuang 2,000 buto at mga artifacts na narekorber sa Taal Lake ay mula sa tao.
Sinabi ni PNP-FG Director Col. Pierre Paul Carpio, na mula pa noong Hulyo 10, 2025 ay tuloy-tuloy ang kanilang pinalawak na search and recovery operations.
Mayroong walong team sila na nagsasagawa ng rotational duty kasama ang Philippine Coast Guard na nakatalaga sa apat na bahagi ng lawa.
Dagdag pa ng police official na ang mga nabawing mga buto ay sumailalim sa malalimang serye ng mga pagsusuri kasama na ang medico-legal analysis, forensic, anthropology, radiographic imaging, dental examinations at DNA testing.
Kinailangan pa ng mga kumpletong forensic examinations ng lahat ng mga nabawing ebidensiya.
Aminado din si Carpio na mahihirapan ang mga eksperto na makilala ang mga may-ari ng buto dahil sa kondisyon ng mga ito dahil sa tagal ng nakababad sa Taal Lake.
Isa aniya sa mga pinakamahirap na paraan ay ang extraction mula sa buto para sa pagsasailalim ng DNA testing.















