-- Advertisements --

Pumalo na sa halos P1 billion ang halaga ng mga narerekober na cocaine sa iba’t ibang bahagi ng eastern seabord ng bansa.

Sa panayam kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Bernard Banac, pumalo na aniya sa mahigit P892 million ang halaga ng nasa 168 kilo ng cocaine ang kanilang nasabat.

Huling nakarekober ng isang brick na cocaine sa bahagi ng Baler sa Aurora noong March 3, 2019 na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Sinabi ni Banac na kanila nang nai-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency ang naturang mga cocaine.

Hinihintay na lamang daw ng PNP ang resulta ng ipinadalang sample cocaine sa Australia para isailalim sa pagsisiyasat.

Naniniwala ang PNP na malaki ang posibilidad na galing sa international drug cartel sa Colombia ang mga narekober na mga bloke-blokeng cocaine.