DAVAO CITY – Hinihintay na lamang ngayon ng Municipal Health Office sa lungsod ng Laak, davao de Oro ang resulta mula sa mga water sample sa tangke na pinagmulan ng tubig ng mga residente sa dalawang mga Purok sa Barangay Naga sa nasabing lungsod.
Ayon kay Dr. Julius Remolla, ang Laak Municipal Health Officer, nasa Department of Health na ang tubig para alamin kung ano ang dahilan ng diarrhea sa ikinasawi ng tatlong mga residente at pagkaka-ospital ng 25 na mga residente.
Dagdag pa ni Dr. Remolla na kasalukuyan, hindi na nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa severe dehydration na nakilalang sina Teodoro Superales 66 anyos, Roland Cordova 32 anyos at Marte Onnggao 66 anyos parehong residente ng Brgy. Naga Laak Davao de Oro.
Naglagay na rin ngayon ng water tank sa nasabing Barangay na may laman na 2,000 liters ng tubig para may magamit ang mga matapos na temporaryo muna ipinagbawal ang paggamit ng water reservoir na pinaniniwalaang dahil ng pagkakasakit ng mga residente.
Pinaniniwalaang nahaluan ng tubig baha ang tangke na siyang dahil ng diarrhea.
Samantalang isinailalim na rin sa state of emergency ang barangay para magamit ang pondo nito sa mga biktima sa outbreak.