Isiniwalat ng National Power Corporation na umaabot na sa P1-B ang ikinalulugi nito kada buwan.
Ito ay dahil sa mataas na volatile price ng diesel fuel, na nag-uudyok ng higit pang mga pagsisikap na i-hybridize ang mga planta ng kuryente na pinapagana ng diesel sa mga lugar na nasa labas ng grid.
Ayon kay Napocor president and chief executive officer Fernando Roxas, ang diesel rates ng kanyang opisina ay idinisenyo para makabawi ng P35 kada litro.
Ngunit ang presyo ng diesel fuel sa ngayon ay patuloy ang pagtaas ng hanggang P70 kada litro na nagreresulta naman ng mas malaking pagkalugi ng kanilang korporasyon na naka in charfe sa pag o-operate ng small power utilities group power plants sa mga off-grid areas.
Sa ngayon ay nag-ooperate at nagmemainain ang Napocor ng 281 mostly diesel-fired small power utilities group power plants sa lahat ng 189 munisipalidad ng Pilipinas.
Dahil dito ay humiling ang Napocor ng pautang sa government bank na umaabot sa P15 bilyon.
Ang Napocor ay nakakuha na ng P5 bilyon sa kabuuang ito, at ang natitirang P10 bilyon ay nangangailangan pa ng pag-apruba ng Monetary Board at isang sovereign guarantee mula sa Malacañang, ayon kay Roxas.
Kapag nakuha na ang kabuuang P15 bilyon, ipinaliwanag ni Roxas na aabutin ng apat na taon, o hanggang 2027, ang kumpanya para ganap na mabayaran ang utang nito.