Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) na binibilisan nila ang pagproseso o pag-recompute sa sintensiyang kailangang bunuin ng mga sumukong ex-convict dahil pa rin sa good conduct time allowance (GCTA) Law.
Sa muling pag-resume ng Senado sa imbestigasyon ng kontrobersiya sa GCTA Law, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang pag-recompute para mapauwi na ang mga dating inmate lalo na ang mga sumukong hindi naman talaga nakagawa ng heinous crime.
Sa ngayon, ayon sa kalihim aabot na sa 100 ang mga napauwing bilanggo matapos silang sumuko.
Una rito, nagpalabas na ang DoJ ng bagong listahan ng mga personalidad na kailangang arestuhin dahil pa rin sa naturang kontrobersiya.
Maalalang mahigit 2,200 ang mga sumukong dating inmate pero nasa mahigit 1,900 ang pisu-surrender ng Pangulong Rodrigo Duterte.