LEGAZPI CITY — (Update) Kinilala na ng mga otoridad ang napaslang na kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro noong Linggo sa Bulusan, Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pol. S/Insp. Mark Anthony Ferwelo, hepe ng Bulusan Muncipal Police, kinilala nila itong si “Ka Pilar”.

Nabatid na mayroon na rin umanong nais na mag-claim ng mga labi ng rebelde na bineberipika pa sa kasalukuyan kung totoo nila itong kamag-anak.

Ayon kay Ferwelo, magri-request rin ng autopsy para sa bangkay.

Samantala kahit na mapayapa umano ang bayan, concern pa rin ang insurhensya lalo na’t may sightings ng grupo at patunay dito ang nangyaring engkwentro.

Dagdag pa ng hepe, patuloy pa rin ang kanilang koordinasyon sa mga ahensya at lokal na gobyerno kaya’t kumpiyansa ito na magiging mapayapa rin ang papalapit na May elections.