-- Advertisements --
Hindi naging maganda ang pagbabalik sa tennis ni Naomi Osaka matapos na mabigo ito sa unang round ng Australian Open.
Pinataob kasi siya ni French 16th seed Caroline Garcia sa score na 6-4, 7-6(2) sa Rod Laver Arena court.
Sinabi ng dating Japanese world number 1 na ginawa niya ang lahat na makakaya subalit lubhang magaling lamang ang nakaharap.
Aminado ito na bahagya siyang nadismaya sa pagkatalo dahil ito ang unang pagsabak niya matapos ang 15 buwan ng isiilang ang unang anak.
Pagtitiyak naman ng 26-anyos na Japanese tennis player na kaniyang gagawin ang lahat para maibalik ang dating galing sa paglalaro.