-- Advertisements --
Beirut blast

Isang malungkot na balita dahil nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon noong isang araw.

Sinabi ng Department of Foreing Affairs (DFA) na nadagdagan pa ng dalawa ang mga namatay at may kabuuan nang apat ang mga nasawi.

Sa ngayon, patuloy daw ang pakikipag-ugnayan ng embassy officials sa mga Filipino community sa Beirut at sinigurong magpapaabot sila ng tulong sa mga apektadong kababayan.

Sa 33,000 na mga Pinoy sa Lebanon 75 dito ang nasa greater Beirut area o katumbas yan ng 24,750.

Una nang sinabi ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab na ang pagsabog ay nag-ugat sa 2,750 tons ng agricultural fertilizer ammonium nitrate na nakalagay as portside warehouse ng ilang taon.

Sa ngayon nasa 135 katao na ang namatay at 5,000 ang sugatan.

Nakaditine na rin ang 16 na staff members ng port sa Beirut dahil pa rin sa naturang pagsabog.