-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Personal na alitan uamno ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa isang opisyal ng Barangay sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Musaid Kandato, barangay chairman ng Brgy Pimbalayan sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad umano ang biktima sa public market sa bayan ng Lambayong nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Tacurong City.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo, dibdib at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa pamamaril sa biktima.