GENERAL SANTOS CITY – Sabay-sabay na sinira ng PNP sa pangunguna ni city director Col. Aden Lagradante kasama ang mga city councilors ng GenSan gamit ang maso at martilyo ang 27 na mga slot machines o tolendoy sa Camp Fermin G. Lira.

Nalaman na nagmula sa iba’t ibang police station ang mga nakumpiskang slot machines mula sa mga ginawang operasyon.

Ayon kay City Councilor Edmar Yumang ang pagsira sa mga nasabing uri na iligal na sugal ay tugon sa reklamo na natanggap nito mula sa mga magulang na umano’y pagdami ng ganito sa lungsod kung saan ang mga kabataan ay nahuhumaling at nakakasira pa sa pag-aaral ng mga bata