-- Advertisements --

Ipagpapaliban ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price increases sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakatakda pa sana ngayong buwan na magpatupad ng price increase, pero dahil sa reimposition ng enhanced community quarantine (ECQ) ay hindi muna ito itutuloy.

Kung hindi ito na-postpone, aabot sana ng 3-5% ang pagtaas sa suggested retail price ng mga pangunahing bilihin.

Ito rin sana ang unang round ng pagtaas ng mga presyo magmula noong Setyembre 2019.