-- Advertisements --

Inamin ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. na malaking kahihiyan kung matalo ito bukas sa laban sa mas batang YouTube star na si Logan Paul.

Ang muling pag-akyat bukas sa ring ng undefeated boxing champion na si Mayweather ay kaugnay sa exhibition 8-round match na gaganapin sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida.

FLOYD A1

Ayon kay Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe, hindi pumasok sa kanilang isipan na madungisan ang walang talo na record ng boxing legend.

Si Mayweather ay 44-anyos na habang si Logan Paul ay 26-anyos lamang at mas matangkad ito ng anim na pulgada at mas mabigat ang timbang.

Ayon kay Mayweather kahit may edad na siya at mas maliit, malaki naman ang bentahe niya pagdating sa pagiging beterano sa mga laban.

Ang Mayweather versus Paul fight ay batay sa ilang rules na wala itong magiging boxing judges, walang babasahing official winner, tig-3 minuto bawat rounds at ang knockout ay depende sa referee.

Una nang nabatikos ang naturang laban dahil nasasalaula raw ang tunay na boxing fights.