LAOAG CITY – Nasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Randy Ramos, residente ng Barangay 1 sa bayan ng Solsona.
Ito ang kinumpirma ni Police Major Carlo Abing, ang chief of police sa bayan ng Sarrat.
Si Ramos ang driver ng kotse na nabangga ni Sangguniang Bayan member Jose Martin Jr. sa bayan ng Solsona.
Sinabi ni Abing na matapos masampahan ng kaso si Ramos ay agad rin naglagak ng P60,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasampahan na rin ito ng kaso matapos na hindi nagkaayos ang dalawang panig.
Nangyari ang insidente sa Sitio Cabuloan, Brgy. 21 San Marcos sa bayan ng Sarrat kung saan papasok na sana si Ramos sa barangay road ngunit bigla na lamang may bumangga sa likod ng kanyang sasakyan ang motorsiklo ng konsehal.
Agad namang itinakso sa ospital ang konsehal ngunit namatay habang ginagamot ng mga doktor.