-- Advertisements --
image 285

Naghain ng resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na imbestigahan ang “nakababagabag” na serye ng mga insidente ng hacking at data breach na kinasasangkutan ng mga website ng gobyerno.

Ang Senate Resolution 829 ay naglalayon din na matukoy kung ang umiiral na mga hakbang sa cybersecurity sa mga ahensya ng gobyerno na humahawak ng impormasyon na mahalaga sa pambansang seguridad ay sapat at upang masuri ang kasalukuyang kapasidad ng pamahalaan na ma-secure ang mga critical strategic infrastructure mula sa cyberattacks at iba pang potensyal na banta.

Nakasaad na may obligasyon ang estado na tiyakin na protektado ang mga personnal information at data system ng gobyerno at maging ang pribadong sektor na base sa Data Privacy Act at protektahan ang seguridad at integridad ng mga computers, communication system , data base system at iba pa sa ilalim naman ng Cybercrime Prevention Act.

Nababahala si Hontiveros sa sunod-sunod na Cyber Attack sa mga ahensya ng gobyerno na nalalagay sa alanganin ang mga maseselang mga impormasyon at ang national security ng bansa kung kayat nararapat lamang na busisiin ito ng Senado in an aid of legislation.