Bumaba sa 8 na lamang ang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Base kasi sa nakalipas na naitala ng ahensiya mula noong Huwebes hanggang nitong Biyernes, umaabot sa 89 ang volcanic earthquakes na naitala sa bulkan.
Bagamat pahirapang malaman ang aktibidad sa ibabaw na bahagi ng bulkan dahil natatakpan ng ulap.
Naobserbahan din ang pagtaas ng seismic activity sa bulusan noong araw ng huwebes.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 1 ang bulkan na nangangahulugan na nasa low level of unrest ang bulkan na may mataas na tsansa ng steam-driven o phreatic eruption.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala sa publiko na iwasan ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone at sa two-kilometer extended danger zones sa southeast section ng bulkan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa may bunganga ng bulkan dahil sa posibleng biglaang phreatic eruption.