Nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sunog sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024 ang Bureau of Fire Protection.
Ito ay matapos na makapagtala ang ahensya ng kabuuang 9,568 na mga insidente ng sunog sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Mayo 10 ng taong kasalukuyan.
Mas mataas ito ng 40% kumpara sa nasa 6,815 na mga kasong una nang naitala sa kaparehong panahon noong taong 2023.
Ayon sa BFP, ngayong taon ay nagresulta na sa mahigit Php4.2 billion ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga sunog na sumiklab sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon.
Bukod dito ay umabot na rin sa kabuuang 165 na mga biktima ang nasawi, habang nasa 496 din ang nasugatan, at 46 ang pawang mga nagtamo ng injury.