-- Advertisements --
image 194

Ibinida ng Philippine National Police ang nagpapatuloy na pagbaba ng krimen sa pilipinas.

Ito ay matapos na muling makapagtala ang pambansang pulisya ng halos 11% na muling pagbaba sa crime index ng bansa mula noong buwan ng enero hanggang sa unang bahagi ng buwan ng marso.

Batay kasi sa pinakahuling datos na inilabas ng pulisya, bumaba ng hanggang 10.59% ang naitalang index crime sa bansa na may katumbas na 13, 469 na mga insidenteng naiulat mula noong enero 1 hanggang mayo 13, 2023, mas mababa ito kumpara sa 15,064 na mga insidenteng naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay iniulat din ng pnp nang pagbaba ng mga insidenteng may kaugnayan sa focus crimes tulad ng murder, homicide, physical injury,robbery, theft,rape, at carnapping na mayroon lamang 10.66% o 13,392 na mga insidente, mas mababa rin kumpara sa naitalang 14, 990 noong nakaraang taong 2022.

Ayon kay PNP chief Acorda, ang magandang resulta na ito ay bunga ng mas pinaigting pa na mga police operations, intelligence-driven operations, community-based programs, pinalakas na partnership sa iba’t ibang ahensya, at gayundin ang mas pinahusay pang reporting at crime monitoring ng pambansang pulisya.