Makakaasa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng mas magandang connectivity option sa paliparan.
Ito ay kasunod ng paglulunsad ng libreng WiFi program ng NAIA.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang isa sa malaking internet company ay nagpaplano rin na palawakin ang kanilang libreng internet services sa Terminals 1 at 2 ng pangunahing gateway ng bansa sa mga darating na buwan.
Aniya, ang bagong connectivity dimension na ito ay lubos na pahahalagahan ng daan-daang mga pasahero, na nagpapahintulot sa paliparan na maging mas mataas sa mga pandaigdigang pamantayan.
Hinikayat ni Transportation Secretary Bautista ang magkatulad na public-private partnerships upang mapabuti ang mga transportation hub ng bansa tulad ng mga linya ng tren, mga terminal ng bus at mga daungan.
Una na rito, patuloy ang isinasagawang proyekto ng DOtr at iba pang ahensya upang mapaunlad at mapabuti pa ang sektor ng transportasyon sa Pilipinas.