-- Advertisements --

Muling nabuhay ang usapin ng pagbabago ng pamahalaan sa Iran, ito’y sa kabila ng pag-hina ng Islamic Republic, marami sa mga aktibista sa Iran ang nag-pahayag ng panibagong kilos-protesta.

Ayon sa mga beteranong aktibista sa bansa hindi nila kayang ilagay sa panganib ang kanilang mga mamayanan habang may banta ng digmaan.

Gayundin ang saloobin ni Narges Mohammadi, Nobel Peace Prize laureate, na nagsabing hindi dapat masira ang Tehran dahil sa panawagang evacuation mula sa Israel.

Habang hinikayat ng mga oposisyon sa labas ng bansa ang mga mamamayan nito na mag-alsa.

Naiulat na maraming aktibista sa loob ng Iran ang walang balak sumama.

Samantala, ang Iran ay naglalatag na ng mga paghahanda kontra protesta. Sinabi ng pamahalaan na nakaalerto na sila para tugisin umano ang mga espiya ng Israel.

Bagamat mas mahina ngayon ang gobyerno kumpara sa mga nakaraang taon, malabo pa rin ang pagkakaisa ng oposisyon ayon sa mga eksperto.

Dahil dito, nananatiling hindi tiyak kung sino ang susundin ng mamamayan sakaling sumiklab ang panibagong pag-aaklas.