-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tiniyak ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na paiimbestigahn ang pagtanggal sa mga contractual workers ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pangilinan, sinabi nito na ang hindi pag-renew sa kontrata ni PS-DBM Inspection Service officer in charge Jorge Mendoza III ay dahil sa pagtutul nito sa mga nangyayaring anomaliya sa ahensya.
Ayon kay Pangilinan, hindi ito naniniwala sa dahilan ni Mendoza na isolated case lang ang pagtanggal sa kanya sa tungkulin.
Naniniwala naman ang senador na ang ipinalit kay Mendoza ay tinakot upang makipagtulungan sa nangyayaring anomaliya sa kanilang mga transaksyon.