Mahigit 60 million voters na ang nagpatala para makaboto sa 2022 national and local elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, inaasahan pa nilang dadami ito, lalo’t nakasanayan na sa Pilipinas ang last minute registrants.
Nauunawaan naman daw ng poll body ang hirap sa pagpapatala, kaya dinagdagan na nila ang araw at oras ng registration.
Pero na-delay ang patuloy na registration dahil sa pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Tatagal hanggang Setyembre 30 ang voter’s registration mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes bukod pa sa 8am-5pm schedule naman ng pagpaparehistro kapag Sabado at holiday.
Gayunman, nanawagan si Jimenez sa publiko na huwag nang hintayin ang huling linggo ng registration, para maiwasan ang siksikan.