-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $905,000 o katumbas ng mahigit P50 milyon ang life jacket na isinuot ng isang survivor ng lumubog na Titanic.
Ito lamang ang nag-iisang life jacket mula sa Titanic na naibenta sa auction matapos ang 114 na taon mula ng lumubog ang barko.
Ibinenta ito sa Henry Aldridge & Son sa Devizes, Wiltshire sa England.
Ito ay suot ni First class passenger Laura Mabel Francatelli na isa sa 700 na pasahero na nakaligtas sa insidente noong 1912 na kaniyang suot bago sumakay sa lifeboat.
Pinirmahan nito ang nasabing floatation device na mayroong 12 bulsa at ito ay fitted na may shoulder rest at side straps.
Kasama rin naibenta sa auction ang seat cushion mula sa lifeboat ng Titanic sa halagang $27,000.
















