-- Advertisements --
Nagwagi si Spanish tennis star Rafael Nadal laban kay Miomir Kecmanovic ng Serbia sa Madrid Open.
Nakuha ni Nadal ang score na 6-1, 7-6 (7/4).
Ito ang unang paglalaro ni Nadal matapos na matalo noong Marso sa Indian Wells dahil sa rib injury.
Aminado ang 33-anyos na si Nadal na nahirapan pa rin itong maglaro dahil sa kaniyang injury.
Makakaharap nito sa susunod na round si David Goffin ng Belgium.