-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng French Open si Rafael Nadal.
Tinalo kasi ng 35-anyos na si Nadal nito si Felix Auger-Aliassime ng Canada sa score na 3-6, 6-3, 6-2, 3-6, 6-3.
Dahil dito ay makakaharap niya ang tinaguriang matagal na karibal nito na si Novak Djovkovic.
Ito na ang pag-59 na beses na magharap ang dalawa.
Tinalo ni Djokovic si 15th seed Diego Schwartman sa score na 6-1, 6-3, 6-3.