-- Advertisements --
Nakuha ni Spanish tennis star Rafael Nadal ang panibagong titulo sa French Open.
Ito ay matapos na talunin si Casper Ruud sa score na 6-3, 6-3, 6-0 sa loob ng dalawang oras at 18 minuto.
Ang panalo ang siyang pang-14th na French Open at sa kabuuan nasa 22 major titles na ang natipon ni Nadal kasama na ang Grand Slam title.
Tinapos ng 36-anyos na world’s number 4 sa tennis rank ang laro sa pamamagitan ng backhand para makuha ang 37th panalo sa final.