-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Matagal ng isang drug personality at dati na rin itong drug surrenderee.

Ito ang inihayag ni Rechie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan, kaugnay sa naarestong 35-anyos na incumbent barangay kagawad sa bayan ng Agno.

Sa kaugnay na panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na natimbog ang suspek na kinilalang si Jaimes Peralta sa kanilang patuloy na monitoring sa bayan ng Agno na dati nang naideklara bilang drug-cleared municipality.

Ani Camacho na ang naarestong opisyal ay newly elected barangay kagawad noon lamang nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Saad pa nito na nauna namang naideklara na drug-cleared barangay ang pinagsisilbihang lugar ng naarestong suspek bago nag-aplay ang Agno sa pagkamit ng drug-clered statsus. Gayunpaman, hindi naman aniya makakaapekto ang pagkakaaresto ni Peralta sa status ng bayan dahil may grace period na 30 days.

Sa kasalukuyan ay nasampahan na ang suspek ng kaukulang mga kaso at pansamantala itong nasa kustodiya ng PDEA-Pangasinan habang hinihintay na lamang ang commitment order na ihahain ng korte bago ito ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology.

Ito naman na aniya ang pangalawang operasyon ng PDEA sa lalawigan ng Pangasinan, subalit tiniyak naman nito na marami pa silang isasagawang mga operasyon kaugnay sa pagsawata ng ilegal na droga.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawa nilang kampanya laban sa ilegal na droga kabilang na ang pagsasagawa nila ng drug-clearing programs sa mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan.