-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Jhuna Esplana, tagapagsalita ng Sagnay Muncipal Police Station, sinabi nito na nakita na lamang ng SK kagawad na si Gem Dacuba ang katawan ng biktima napalutang-lutang sa karagatang sakop ng bayan ng Sagñay sa naturang lalawigan.

Ayon kay Esplana, naagnas na nang matagpuan ang biktima kaya hindi na ito pina-embalsamo at agad na lamang inilibing.

Samantala, nanawagan naman si Esplana sa publiko na agad na mag-contact sa kanilang himpilan ang sinuman na may nawawalang kaanak para maberipika ang katawan na kanilang natagpuan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente gayundin ang pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima.