-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Naaresto pa rin ang No. 2 most wanted ng National Capital Region (NCR) sa bayan ng Mapandan, Pangasinan sa kabila ng pagtatago nito.

Nakilala ang suspek na si Jenie Dizon Padito, residente ng Pasig City, na may dalawang bilang ng kasong qualified rape.

Nagtago ang suspek sa Barangay Sta. Maria sa nasabing bayan kung saan naabutan na rin ito ng lockdown sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nahuli ang suspek sa pakikipagtulungan ng kapulisan ng Mapandan at pinagsanib na puwersa ng Pasig Police Office, miyembro ng Intelligence Unit 1, Citizen Anti Felony Support Group, at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa bisa ng order of arrest na inilabas ng Regional Trial Court national capital judicial region sa Branch 261 Pasig City.

Dinala ang suspek sa himpilan ng Mapandan para sa maayos na dokumentasyon at disposisyon.

Kinalaunan, ipinaubaya ang nadakip na suspek sa kustodiya ng mga miyembro ng regional intelligence unit NCR.