-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer-actress na si Mystica dahil sa pagpanaw ng anak na lalaki nito na si Stanley Villanueva.

Kasalukuyang nasa Las Vegas ito at sa kaniyang social media ay sinabi niyang namatay ang anak nito dahil sa cardiomyopathy, liver cirrhosis at pneumonia noong Marso 19.

Labis itong nalungkot dahil hindi nito nakita ang anak sa huling sandali nito.

Ang singer o Ruby Rose Villanueva sa tunay na buhay ay nakilala sa local showbiz bilang “Split Queen”.