-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ay nangibabaw sa Rolling Stone’s Top 100 Song Chart ang kantang “My Universe” ng Coldplay at Korean group na BTS.

Ayon sa Rolling Stone ito ang unang pagkakataon na nanguna ang banda sa nasabing listahan.

Nakamit rin ng BTS ang kasaysayan na siyang unang naging Korean group na makasama sa listahan.

Nahigitan ng nasabing awitin ang “Way 2 Sexy” ni Drake na nasa ikalawang puwesto na.

Inilabas ng BTS at Coldplay ang kanta noong Setyembre 30.

Bukod pa sa Rolling Stones ay nanguna rin ang nasabing kanta sa Billboard Hot 100.

Ito na ang pangalawang awitin ng Coldplay na nag-numero uno matapos ang kanta nilang “Viva La Vida” noong 2008.

Pang-anim naman na kanta ng BTS ito na ang iba ay ang “Dynamite,” “Savage Love” , “Life Goes One”, ” Butter” at “Permission to Dance”.